Wednesday, December 28, 2011

Mga Maiikling Kwento

Nabaliw Ako Dahil Sayo
ni Jonnalyn Toreja #37

Madaming pagsubok ang ating hinaharap ngayon. Hindi natin alam kung paano ito harapin at paano ito malulutas o paano natin ito ihaharap. Tulad ni Shia, siya ay anak ng mayaman na may ari na isang malaking kumpanya na malaki ang kinikita buwan-buwan. Siya ay nag-aaral din sa malaki at kilala na eskwelahan ngunit hindi halata sa kaniyang labas na anyo na mayaman siya dahil ang kaniyang porma ay “baduy” kahit ikumpara mo siya sa ibang ka-iskwela niya na ang pananamit ay maayos at makikita mo kung mayaman o hindi. Kahit wala masyado kumakaibigan sakaniya, meron siyang isang matalik na kaibigan na pangalan Alex o tinatawag nilang “crush ng bayan”, siya ay kilala sa kanilang eskwelahan dahil sa kaniyang magandang ngiti, maganda ang katawan at siya ay mabait sa lahat. Madaming nagtataka kung bakit kinakaibigan ni Alex si Shia. Noong bata pa sila nagkakilala sina Alex at si Shia, lagi silang tinutukso ng kanilang mga magulang dahil lagi silang magkasama at gusting gusto makita ni Shia si Alex para maglaro. Habang lumalaki na sila nagkakaroon na ng gusto si Shia kay Alex, hindi dahil ito sa kaniyang magandang ichura ngunit dahil nagustohan niya ang kaniyang magandang loob niya at siya lang ang nakakaintindi sa kaniya lalong-lalo nagkakaroon siya ng problema sakaniyang pamilya si Alex lang ang nakakaintindi ng mga ito. Hanggang ngayon na nag-aaral na sila sa isang kilalang na unibersidad, hindi parin nagbabago ang kaniyang matamis na nararamdaman niya kay Alex. Ang malungkot don nagkaroon ng girlfriend si Alex na si Isa. Si Isa ay isang magandang babae o tinatawag sa  sa kanilang eskwelahan “reyna ng kagandahan” dahil sila ay bagay na bagay ni Alex. Nalungkot si Shia nang nabalitaan niya na ang kaniyang minamahal at kaniyang matalik na kaibigan ay nakakalimutan na niya na siya ay may kaibigan na Shia dahil mas napapadalas na ang pag alis ni Alex sakaniyang kasintahan at paunting-onti na niyang nakakalimutan si Shia. Hindi makatulog ng maayos si Shia dahil sa mga nangyayari lalong-lalo na mawawalan siya ng kaibigan na siya lang ang nakakaintindi sakaniya pag siya ay may problema kaya siya ay may ginawang panibago na ikakagulat ng mga tao. Siya ay nag ayos ng kaniyang panlabas ng anyo, iniba na niya ang kaniyang porma parang pananamit ni Isa.

Nang siya ay lumabas ng kaniyang kotse lahat ng mga tao ay nakatingin sakaniya at nagulat sakaniyang pagbabago ng kaniyang linalabas na anyo, ang kaniyang porma lalong lalo na ang kaniyang kilos ay binago niya. Lahat ng mga lalaki ay nabighani sa kaniyang ichura at ang mga babae gusto na siyang kaibiganin. Dahil siya ay nanibago dahil magkakaroon ka lang ng madaming kaibigan dahil sa iyong ichura, kilos o kung ikaw ay isang mayaman na tao. Dahil sa bagong Shia, siya ay naging usapan ng mga tao dahil sa pagbabago niya pati siya ay nasali sa isang masamang “circle of friends” na akala niya na matatalik na kaibigan ang kaniyang nasalihan ngunit hindi man lang niya alam na siya ay ginagamit lamang dahil sa kaniyang kayamanan at dahil siya ay magandang babae. Pinasubok siya mag droga ngunit ayaw niya itong gawin kaso nga lang kahit alam niya na ito ay mali o hindi tamang gawin pero sinubukan niya ito at nagustohan niya ito hangga’t sa nag iba ang ichura na ito at ang kaniyang kalusugan ay hindi na magandang tingnan. Hanggang sa tumagal nawala sa sarili si Shia at biglang nawala at naglayas sakanilang tinitirhan dahil siya ay nagsisisi na sakaniyang pinag gagawa at nahihiya na siya sakaniyang magulang dahil sila ay nagsikap na magtrabaho dahil lang sakaniya ngunit binale wala lang niya ito. Hinanap siya ng kaniyang magulang ngunit hindi nila alam ang rason kung bakit siya nag layas dahil sila ay “busy” sakanilang pagttrabaho. Umiiyak at nagsisisi narin ang magulang ni Shia dahil mas pinapansin o mas inaasikaso nila ang kanilang negosyo kasya sa kanilang anak na babae.

Nakita at nagulat si Alex sa nakita niyang tao na nakatambay sa labas ng bahay niya. Akala niya ito ay isang baliw o naghahanap ng lamang ng pagkain sa basurahan ngunit ang babaeng ito ay hinaharangan si Alex sa kanilang pintuan at sinabi “Dahil sayo naging ganto ako, nag bago ako para sayo. Lahat sinakripisyo ko sayo, kaso iniwan mo ako. Pinagpalit mo ako kay Isa, kinalimutan mo na ako. Hindi mo na ako makikilala dahil sa ichura kong ito pero dahil sayo kaya ako naging ganto, mahal na mahal kita Alex!”

Paano na?
ni Pauline Torrejon #38

Si Amado ay matagal nang pulis at matagal na ding nagmamahal na ama. Kagaya ng mga pulis sa Pilipinas, wala din siyang ginagawa buong araw. Kumain at matulog ang daloy ng kanyang araw-araw, pero binibigyan niya pa rin ng oras ang makasama ang pamilya. Subalit isang destino ay ginising siya sa kanyang mahambing na paghihipig. Agusto 22, 2011, bawat segundo ay ginagamit sa pagplano. Walang magawa, walang buhay. Si Amado, ang pulis at ama, ay pinatay. Pinatay sa kanyang mga kamay. Ibibigay mo din ba ang buhay mo dahil wala kang nailigtas?

Ang Ondoy
ni Earlene Uy #39

Nakalipas ang maraming taon, makikita pa rin sa mga tao ang takot at pangamba tuwing naririnig ang salitang "Ondoy". Ito ang bagyong pumatay sa libu-libong tao at nagwasak ng mga kabahayan sa bansang Pilipinas. May mga pamilyang nakaligtas at nailigtas ng ilang mga rescuers ng bansa. Isa na rito ay si Jennifer Mahusay na nakatawag pansin sa karamihan.

Si Jennifer ay lumaki sa Tanay, Rizal at doon na nagkaasawa sa edad na dalawampu't isa. Sila ay biniyayaan ng tatlong anak na halos magkakasunod ang edad. Hindi gaanong maginhawa ang kanilang buhay sapagkat kaniyang asawa ay nagtatrabaho sa isang kompanya bilang dyanitor at siya naman ay labandera lamang. Ang kanilang sweldo ay sapat lamang sa kanilang pangaraw-araw na pagkain kaya hindi nakapag-aral ang kanilang mga anak. 

Taong 2009, ika dalawampu't anim ng Setyembre, nangyari ang napakasamang trahedya sa bansa. Hindi tumigil ang pagbagsak ng ulan nang higit sa anim na oras. Bumaha sa karamihang lugar dahil sa ulang katumbas ng isang buwang pag-ulan na nangyari lamang sa isang araw. 

            Alas-singko ng umaga, nakaramdam ng ginaw si Jennifer kaya pinuntahan niya ang kaniyang mga anak at kinumutan ang mga ito. Napansin niyang nanginginig ang kaniyang bunso kaya niyakap niya ito upang mainitan. Nakatulog siyang muli at nagising siya nang magaalas-otso na. Nagtaka siya dahil sa kakaibang ipinapakita ng panahon kaya nagdasal muna siya. Binuksan niya ang lumang radyong minana pa niya sa kaniyang ina. Mahina ang signal kaya hindi niya maintindihan ang balita. Narinig niyang kumalabog ang kanilang pintuan.

"Inay! Sila Aling Dionisia mukang lilipat na ng bahay ah." sabi ng kaniyang panganay pagkapasok na pagkapasok sa kanilang pintuan. Nagtaka si Jennifer kaya lumabas siya ng bahay upang tignan ang sinasabi ng anak. "Aling Dionisia, saan po ang punta ninyo?" tanong ni Jennifer. "Hindi mo ba alam? May paparating daw na malakas na bagyo ngayon! Umalis na kayo habang maaga pa!" ang natatarantang sagot ni Aling Dionisia.
Nagkaroon ng pangamba si Jennifer kaya pinuntahan niya ang kaniyang mga anak at sabay sabay silang nagdasal. Hindi pinakita ni Jennifer ang takot na kaniyang nararamdaman sa kaniyang mga anak.

Bumuhos ang ulan nang bandang alas-diyes ng umaga. Gumawa siya ng paraan upang mapawi ang takot na nararamdaman ng kaniyang mga anak. Naisip niyang sumunod na sa payo ni Aling Dionisia ngunit naalala niya ang kaniyang asawa na nagtatrabaho sa mga oras na iyon. "Alam kaya ni Budoy na may bagyo ngayon?" bulong niya sa kaniyang sarili. Nakalipas ang isang oras ay may pumasok nang tubig sa kanilang tinitirhan. "Nanay! may swimming pool na tayo!" tuwang tuwa na sinabi ng kaniyang bunso. "Nako! anak madumi 'yan! Hala sumampa kayo sa upuan. Pupunta lang ako sandali sa tindahan" mas lalong lumakas ang kaba ni Jennifer sapagkat hindi normal sa kanilang lugar ang bumaha ng ganoong kabilis. Habang naglalakad siya papuntang tindahan ay mabilis ang pagtaas ng baha. Tinawagan niya ang kompanya na tinattrabahuhan ng kaniyang asawa ngunit wala raw ito doon. Maiyak-iyak na si Jennifer dahil hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Hanggang beywang na niya ang baha kaya nagmadali siyang bumalik sa kanilang bahay. Nang malapit na siya ay narinig niyang sumisigaw ang kaniyang mga anak. Pinuntahan niya ang mga ito at isa isang binuhat papunta sa kanilang kapitbahay na may taas ang bahay. Nakalipas ang ilang oras ay umabot na rin sa taas ng bahay ang baha. Umakyat sila sa bubong ng bahay. "Diyos ko, iligtas niyo po kahit mga anak ko lang. Mga bata pa sila at madami pa silang gustong gawin sa buhay" panalangin ni Jennifer. Nadulas ang kaniyang pangalawang anak. "Nanay!" ang huling salitang narinig niya dito, malakas at mabilis ang agos ng tubig kaya bigla nalang ito nawala. Hindi niya namalayan na sumunod ang kaniyang panganay sa pangalawang anak. Labis labis ang sakit na kaniyang nadarama sa mga oras na ito ngunit kahit gusto niyang hanapin ang mga anak ay hindi niya magawa dahil may bunso pa siyang umaasa sa kaniya. Niyakap niya ang kaniyang umiiyak na anak. Naghahagulgol silang dalawa. Ngunit nilakasan niya ang kaniyang loob. Tumayo siya at sumigaw ng sumigaw ng tulong hanggang sa mawalan ng boses. Pagkatalikod niya ay wala na sa kinauupuan ang kaniyang bunsong anak. Nais na niyang magpakamatay at sumunod sa mga anak niya ngunit pinigilan siya ng kaniyang kapitbahay. May nakita silang mga rescuers na nakasakay sa bangka.

Sa mga sandaling iyon ay nawala sa sarili si Jennifer. Nawala ang lahat ng kaniyang mga mahal sa buhay, tatlong anak at ang kaniyang asawa na hindi na niya nakita simula paggising niya. Dinala siya pansamantala sa evacuation center. Lagi siyang wala sa sarili, hindi kumakain, at hindi nagsasalita. Natatakot na ang mga tao sa kaniya dahil inakala nilang baliw siya. Hindi tumagal ay nakita siya ng kaniyang asawa na naglalakad lakad sa loob. Nakilala naman niya ito agad at bumalik sa sarili.

Araw araw ay bumababa naman ang baha hanggang sa tuluyan na itong mawala. Nang makalabas ng mga tao ay nagulat ang mga ito dahil sa labis na pagkawasak ng mga bahay bahay pati na rin ng kalikasan. Madami ding natagpuang mga bangkay na nalunod at natabunan ng kung anu-ano. Nagumpisa muli ang mga natirang magkakapamilya kabilang na ang mag-asawang Jennifer at Budoy. 


Bata pa lamang ay ipinagkasundo na ng kanilang mga magulang sila Adam at Lori. At dahil mula noon ay alam na nang dalawa ang kanilang mga kapalaran, nabuo na sa kanilang mga isipan ang katotohanan na pag dating nila ng edad na 21 ay sila'y magkakasama na pang habang buhay. Hindi na sila nagkaroon ng pagkakataon upang tumanggi sapagkat lahat at tila nakahanda na para sa kanila. 
     
Sa tuwing mag isa'y naiisip ni Lori kung ano ang magigin buhay na pag siya ay kinasal na kay Adam. naiisip din niya kung ano kaya ang kaniyang magiging itchura sa araw ng kanilang kasal. Para sa kaniya'y ayos lang naman mapangasawa si Adam sapagkat mabait naman ito, matalino, gwapo at matipuno. Swerte na rin siya kung iisipin. Isa pa, mula pagkabata'y makasama na sila at komprtable naman sila mula sa isa't-isa. 
     
Kung si Lori ay ayos lang sa kasunduan ng kanilang mga magulang, si Adam naman ay tila walang pakiealam. hindi siya tumututol ngunit di rin naman siya sumasangaayon. Para sa kaniya, wala rin namang punto kung siyay sasang-ayon o hindi, nakatanim na sa kaniyang isipan na ang kaniyang buhay ay naiplano na ng kaniyang mga magulang. Mula pagkabata ay tila nakalista na ang mga pangyayaring magaganap sa kaniyang buhay. Pagkapanganak ay ipinagkasundo na kay Lori, siya'y mag-aaral sa isang pribadong paaralan para sa mga lalake lamang. mag-aaral sa estados unidos ng kolehiyo, pagbalik sa Pilipinas ay magpapakasal kay Lori at pagkatapos noon ay siya na ang magpapatakbo ng kumpanyang pag-aari ng kaniyang ama at ng ama ni Lori. 
     
Ngunit lahat ng ito ay nagbago nang siya'y mag-aral sa estados unidos. Dito'y naranasan niyang mabuhay sa mundong lahat ng tao'y moderno, lahat ay nasasabe at nagagawa ang kung ano man ang kanilang gustong naiisin. Dito rin sa unang pagkakataon naramdaman niya ang tunay na kalayaan, malayo sa mga tradisyon at buhay na plinano na para sa kaniya. At dito rin ay kaniyang nakilala si Anthony, ang taong nagmulat sa kaniya sa mundong hindi niya alam. Pinasaya ni Anthony si Adam at hindi nagtagal ay nahulog ang loob ni Adam kay Anthony. Hindi nagtagal sila'y nagsama na at namuhay ng malaya sa Estados Unidos. 
       
Dumating na ang panahon na nakapagtapos na ng kolehiyo si Adam, napakasaya niya sapagkat gusto na niyang maranasang kumita ng sariling pera. Ngunit kasabay ng kasiyahang ito, ang pag gising niya sa realidad na kinakailangan na niyang bumalik sa Pilipinas at magpakasal kay Lori. Hindi malaman ni Adam kung ano pano niya sasabihin sa kaniyang pamilya ang katotohanang hindi na niya magagawang pakasalan si Lori. Sinabe ni Adam kay Anthony ang kaniyang problema at iminungkahi nito na wag na siyang bumalik sa Pilipinas at sa halip ay sila na lamang ang magpakasal sapagkat sila naman ay tunay na nagmamahalan. Pinag-isipang mabuti ni Adam kung ano ang kaniyang gagawin, tila gusto na niyang sundin ang sinasabe ni Anthony ngunit hindi niya masikmura ang dismayang mararamdaman ng kaniyang pamilya at ni Lori. Dahil dito bumalik siya ng Pilipinas nang hindi nalalaman ni Anthony. Paglapag niya sa NAIA agad niyang tinawagan si Anthony upang magpaliwanag, ngunit tila nasaktan si Anthony sa ginawang ito ni Adam kaya't nagdesisyon itong hindi na sagutin pang muli ang mga susunod na tawag ni Adam. Siya ay sinalubong ng kaniyang mga magulang at ni Lori. Wala na siyang magawa kundi talikuran ang Estados Unidos pati na rin ang minamahal niyang si Anthony. Sa unang gabi niya mula sa Pilipinas, siyay hindi makatulog at tila hindi niya maalis sa kaniyang isipan si Anthony. Tinawagan niyang muli ito at napakasaya niya ng ito'y sumagot. Sa kanilang pag-uusap kaniyang sinabe na siyay magbabalik sa Estados Unidos at nangako ito na silay magpapakasal doon. Ngunit kinabukasan, nagulat siya sa surpresang inihanda sa kaniya ng kaniyang mga kaibiga, pamilya at ni Lori. Hindi niya maitanggi sa sarili na kahit papano'y siya'y nanghihinayang kay Lori. Kinagabihan nakapag-usap ng masinsinan si Lori at Adam,  ngunit imbis na sabihin ang katotohanan kay Lori napag-usapan nila ang mga pangyayari habang sila'y malayo sa isa't isa. napagusapan nila ang nalalapit nilang kasal. Hindi maitago ni Adam ang sayang kaniyang nadama ng makasama niyang muli si Lori. Kinagabihan hindi niya sinagot ang mga tawag ni Anthony. Napagdesisyunan niya na mas mabuti kung ituloy na lamang niya ang kapalarang nakatanda sa kaniya. Gustuhin man niyang makaalis sa tradisyunal na pamumuhay' hindi niya kayang sikmurain ang mga sasabihin sa kaniya ng kaniyang pamilya at ang sakit na kaniyang maidudulot sa kanila lalong lalo na kay Lori. Hindi niya kayang marinig pa ang boses ni Anthony kaya't sumulat nalamang siya ng e-mail para dito, humihingi ng patawad sa kaniyang nagawa at sinasabing kung legal lang sana sa Pilipinas ang gay marriege ay kaniyang ipaglalaban ito ngunit hanggat ang bansa ay naninirahan pa rin sa kumbensyon at tradisyon, wala siyang magagawa kundi sumunod dito.


Bagyong Pedring
ni Shyrla Yamashita #42

ang manila sa pagdating ng bagyong pedring ay halos malaki ang napinsala nito hindi tulad ng "ondoy", maraming mga bahay sa bulacan at pampanga noong biyernes ang nasalanta  dito hindi katulad ng "ondoy"

si bagyong pedring ay mas malakas siya kaysa sa bagyong ondoy sa 80 taon ngayon lang nalubog sa baha ang lugar ng pampanga. kaya ibang-iba talaga abg tumamang bagyong si pedring sa ating bansa.
ayon sa malacanang higit sa isang daabglibo bigas ang napiisala nito sa central luzon
4 billion pesos ang total damage ginawa ni pedring sa pilipinas, 44 patay, 33 nawawala at 41 nasugatan.

Kwento

ang ganap nang kwento na ito ay naganap sa pampanga sa gabi mga 7pm: "Nay! Nay! nasan ka!?" sabay sigaw at iyak si Carlo. "ano yun anak? bakit ka sumisigaw dyan?" sagot ni Nanay Ella. "kasi po nay, nadulas ako sa hagdan tapos may narinig akong kidlat at natulo yung tubig sa hagdan kaya po ako nadulas." "anak naman, ingat ka naman, alam mo naman diba ang ating bubong ay luma na dyan sa hagdanan at alam mo rin na darating na si bagyong pedring diba? kaya sabi ko sayo matulog ka nang maaga. "cge na matulog ka na Carlo at magingat ka umakyat, dahandahan." "Cge po Nay, magiingat po ako pabalik sa kuwarto ko." pag lipas nang 2 oras, dumating ang bagyong pedring sa pampanga. sinira nya ang lahat nang bubong nang mga bahay, pati narin ang bubong nila Nanay Ella at Carlo. at sinira nya din ang malaking sector na agricultura sa pampanga at marami dito nag karoon nang sakit, maraming namatay at kinuha nang perding ang buhay si Carlo.

No comments:

Post a Comment